h1

Doble-Kara

March 25, 2011

Mistulang isang halimaw na nakahandang sumunggab sa kung sino mang magkamaling mapalapit dito ang banta ng radioactive contamination na nagmumula sa nasirang Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa Japan, dahil dito milyon-milyong mga mamayan mula sa iba’t ibang mga bansa dito sa Asya at maging sa iba pang mga kalapit-bansa ang tunay ngang nangangamba sa maaring idulot nito sa kanilang mga kalusugan.

Sabay sa pag-umang ng ulo ng problema na ito naibubulatlat din ang mga pansariling kahinaan ng ating bansa pagdating sa kahandaan sa mga ganitong klaseng kalamidad.

Sa kasalukuyan walang tumatakbong pasilidad na may kakayahang gumawa na elektrisidad mula sa nuclear na paraan dito sa ating bayan, matatandaan na ang nag-iisang nuclear power plant dito sa bansa na nakatayo sa Bataan ay ipinasara ng dating Pangulong Corazon Aquino dahil umano sa 400 mga depekto nito. Kahit ganito ang sitwasyon,  hindi maitatanggi na napakarami pa rin ang takot na takot sa mga diumano’y panganib na maaring dala ng nuclear radiation.

Isang patunay dito ang kumalat na mga text message na magkakroon ng radioactive fallout at acid rain dito sa bansa bunsod ng nuclear meltdown sa Japan, sinabi pa nga na naggaling diumano ang impormasyon sa isang sikat na international news organization.

Malayo man ang posibilidad na maapektuhan tayo ng nakalalasong radiation mula sa bansang Hapon nabuksan naman nito ang pangangailangan ng paglalatag ng mga naayong paraan upang tamang maaksyunan ang ganitong mga uri ng sakuna.

Kamakailan lamang nagsimula na ang pamahalaan na mag-inspeksyon ng mga tao at kargamentong nagmumula sa Japan, isa diumano itong sagot sa lumalaking pangamba na maaring may mga nakontamina ng radiation na tao at kargamento na makapasok sa bansa. Lubos naman itong ikinabahala ng mga kinatawan nga bansang Hapon dito sa bansa.

“We expect the government to be open-minded about news from Japan. There are disturbing news like airport authorities checking aircraft and Filipino seafarers who don’t want to go to Japan ports. This kind of action based on wrong information cause damages to Japan,” sabi ni Minister Shinsuke Shimizu, isang mataas na opisyal ng embahada ng Japan dito sa bansa.

Idinagdag pa ni Shimizu na isa itong malaking overreaction sa bahagi ng pamahalaan ng Pilipinas, ayon sa kanya ilang mga pandaigdigang organisasyon na rin ang nag sertipika na ligtas ang mga eroplano at mga daungan ng bansang Hpon, kaya’t walang dahilan upang mangamba ang Pilipinas.

Ayon nga kay Science and Technology Secretary Mario Montejo, “let us be calm. There is no reason to be alarmed, the Philippines is under no threat.”

Ngunit kahit na ito ang sinasabi ng mga kinatawan ng gobyerno, iba naman ang kanilang ikinikilos. Tunay ngang may pinag-uugatan ang sentimyento ni G. Shimizu, masyado nang nagiging paranoid ang mga Pilipino, at masasabing tunay na wala sa llugar ang ikinikilos nating ito. Napakaraming ulat panahon ang nagsasabi na imposibleng maihatid ang mga radioactive particles mula Japan patungo dito sa Pilipinas sapagkat wala naming sama ng panahon ang namumuo ayon pa nga sa mga eksperto unti-unting kumakalat ang radiation pag inihip na ito ng hangin kaya’t nawawalan na rin ito ng potency o bagsik.

Nakakalungkot ding makita na salu-salungat ang ipinapakita at sinasabi ng ating pamahalaan, sa ilang mga statement na inilabas ng gobyerno sinasabi nila na walang dapat ikabahala subalit todo higpit naman sila sa mga tao at produktong galing Japan.

Ito ay panahon upang maipakita ng Administrasyong Aquino na meron silang kapasidad na humawak ng ganitong uri ng sitwasyon, kung saan malawakan ang pagkalito at pagkatakot. Hindi ito panahon upang magsalita, ito ay panahon upang umaksyon at manguna sa pagkakalma sa marami nating takot na kababayan.

Sa paraan lamang ng isang solido at kapinapaniwalaang disaster preparedness plan natin maipapakita sa buong mundo na kaya rin nating solusyunan ang mga problemang maaring nating kaharapin. Hindi makakatulong ang doble karang ugali ng pamahalaan sa pagharap sa problema, lalo lamang itong nakakasama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.